Tuesday, June 16, 2009

Cha-CHa Ibasura... Trapo isuka...!

Lagpas isang dekada na ang pamamayapag ng mga eletista sa halalang sa simula pa lang ay kontrolado na nila... kaya't hindi nakapagtataka na iilang pamilyang eletista lamang ang humahawak sa poder ng kapangyarihan sa ating Bansa mula sa Lokal na Pamahalaan sa mga Probinsya hanggang sa Palasyo ng Malakanyang... samahan mo pa ng mga oligarkiyang takam na takam rin sa kapangyarihan at mga pribelehiyong kapalit ng kanilang pagsuporta sa mga politiko...

Panahon na ulit ng Halalang Eletista... mapula na ang kanilang mga hasang... lahat ng panloloko sa mga botante ay ginagawa na nila upang sila ay muling magpakilala... handa na uli silang magtunggalian upang pag-agawan ang poder ng kapangyarihan na tanging layunin lamang ay maprotektahan ang kanilang mga pansariling interes...



Ano ba ang aasahan ni Juan Dela Cruz sa sarsuela ng mga eletistang ito... tuwing may halalan ay ganito na ang eksenang bumubulaga sa ating mga Filipino... sa aking palagay ay hindi sa ganitong uri ng halalan giginhawa ang buhay ng mga Mang Pandoy ng ating Lipunan... nasubukan na natin ito ng ilang beses at wala namang nabago...

Sa Eletistang Halalan ang tanging nagagawa pa lang natin ay ang palitan ang mukha ng namumuno... ngunit parehong pangalan parin... mula sa parehong angkan... parehong dugo... parehong uring eletista parin... sa maikling salita ay pinalitan natin ang isang Eletista ng isa pang Eletista... ang isang Trapo ng isa ring Trapo... may mababago ba sa ganitong paulit-ulit na pangyayari... wala... ginagago na lang tayo ng Trapo at Eletistang Sistemang ito...

Lahat sila ay Trapo... kahit ang Oposisyon na naghahangad na pumalit kay Gloria ay mga Trapo rin... bistado sila sa kanilang pamamaraan ng pamumulitika... lahat sila ay gumagamit ng pera... baril... bayarang sanggano... at mga gimik na "feeling artista"... at sino man ang makipag-alyansa sa mga Trapo ay siguradong Trapo rin... kahit na baguhang kandidato ngunit gumagamit ng pamamaraan ng isang Trapo ay Trapo rin... kahit pa isa kang progresibo kung ang gawi mo ay gawain ng isang Trapo ikaw ay kabilang na rin sa mga Trapo... "birds of the same feather cheat, terrorize, rule, and steal together!"

Ngunit wala na ba talagang pag-asa... nangangahulugan ba na titigil na tayo sa paggamit ng ating karapatang mamili ng ating mga pinuno... makokontento na lang ba tayo sa pagiging "matatalinong botante"... payag ka na bang mamili ng lang ng isang "lesser evil" mula sa mga "evil" na kandidato... tira-tira lang ba ang pwede nating makuha sa halalang ito... ano ba ang tingin natin sa ating mga sarili... daig pa tayo ng mga aso... ang ating mga alagang aso ay hindi pwede ang tira-tira... tayo payag na tira-tira na lang ang pagpipilian...

Panahon na upang lumaban... panahon na upang ibagsak ang trapong paghahari... panahon na upang wakasan ang kanilang pamamayagpag... at ang ating gagamiting sandata ay ang mismong Halalang kanilang nilikha... ipatitikim natin sa kanila ang pait ng pagkatalo... ipamamalas natin sa kanila ang tunay na lakas ng masa... ipakikita natin ang ating kakayanang makapagluklok ng mga kandidatong magsusulong ng tunay na pagbabago... ng isang sistemang may pagmamalasakit sa uring manggagawa...

Sabi nga ng iba... Kaya Natin ito!... kung nais natin ng pagbabago ay dapat na itong simulan ngayon pa lang... labanan natin ang mga Trapo... tayo ang humanap ng ating mga kandidato... tapusin na natin ang pananahimik... nasimulan na natin sa pamamagitan ng pagkundina sa Con-Ass at Cha-Cha... ituloy natin ang laban... iangat natin ang ating panawagan... ang Con-Ass at Cha-Cha ay bunga lamang ng Eletista at Trapong Sistema... itong sistema na ito ang ating dapat buwagin...

Huwag Iboto ang mga Trapo at Eletista!
Ang Anti Trapo Movement ating ikasa na!
Ngayon ang panahon upang tayo ay magkaisa!
Isulong Rebolusyon ng Masa hindi Cha-Cha!

http://sakay2007.multiply.com

0 comments: